Thursday, December 29, 2011

SAYAng

Matapos ang isa't kalahating oras ng byahe, nakarating rin kami sa wakas sa aming destinasyon. Tanghaling tapat ngunit malamig ang simoy ng hangin sa Gumaoc East, San Jose Del Monte, Bulacan. Espesyal ang lugar na ito para sa akin dahil dito ko unang nasilayan ang mundo at madalas kami dito noong bata pa ako. Ngayon, nandito kaming muli para makiparty.

Christmas party at Reunion namin kasama ang mga kamag-anak sa side ng nanay ko.. at kahit hindi ko ganun kaclose ang mga tao dito dahil minsan na lang ako sumama tuwing pumupunta sila nanay dito, kailangan ko pa ring makijoin at makisaya para hindi naman masayang ang outft at ang ayos ko.

Masarap ang pagkain, maganda ang lugar at ang view pero wala ako sa mood at iritable ako, siguro dahil dinatnan ako ngayon ng aking buwanang dalaw. Pero ang mas nakakainis ay nang mabunot ang pangalan ko sa raffle, at makatanggap ng prize na hindi ko naman magagamit. Ano ba naman ang gagawin ko sa T-shirt na maliit, parang pambata at hindi kasya sa akin? Haay... kung minsan talaga hindi maintindihan ang buhay. May mga bagay na darating sa buhay mo, ngunit masasayang lang dahil hindi mo naman kailangan.

Saturday, December 24, 2011

Masayang Kahapon

Ang saya ko kahapon. Nakita ko na naman yung crush ko. Ang cute cute niya talaga.

Habang naglalakad ako, hindi ko inaasahang makakasalubong ko siya. Napatingin siya sakin.. at biglang tumibok ang puso ko ng walang kasing bilis.

Nung medyo malapit na kami sa isa't-isa, gusto ko na sanang batiin siya. Kaya lang..parang may naramdaman akong kakaiba.

Hindi ko maihakbang ang kanang paa ko.

Parang alam ko na!

May malagkit sa tsinelas ko.

Nakatapak ako ng ta...eewww!! kadiri!

Naku naman... Anu nang gagawin ko??

Tiningnan ko siya... at nakita ko siyang natawa. Nagmadali nalang tuloy akong umalis papunta sa malayo.

Haay... Nakakainis naman talaga. Bakit ngayon pa ko nakaapak ng bwisit na ebak na yun. Pagkakataon ko na sanang makapagpacute sa kanya, naging kahiya-hiya pa ko.

Di bale. Kahit ganun,natutuwa parin ako. Nakita ko na naman kasi yung mga mata niyang nagniningning, at yung mga ngiti niyang nakaka-inlove.

Nakakahiya man, pero okay lang...Ang mahalaga, napatawa ko siya. =)