Wednesday, January 4, 2012

Reflection sa kantang Babae ni Inang Laya

Ang mga babae ay may iba’t-ibang kulay, paguugali at pagkatao. Mayroong mahinhin, tahimik, madaldal at maingay, mahina, maarte, kilos lalaki, matapang, palaban at marami pang iba.

Sa aking pagkakaintindi, ang mensahe sa kantang “Babae” ni Inang Laya ay ipakita mo kung sino at ano ka talaga bilang isang babae. Binanggit iyong mga halimbawa ng kilalang babae sa ating kasaysayan, kung ano ang tawag sa mga babae base sa kanilang pagkatao at maging si Cinderella para ihambing natin sa ating sarili.

Habang pinakikinggan ko ang kanta, naisip ko na kahit maging sino ka man sa mga babaeng binanggit sa kanta, babae ka pa rin. At bilang isang babae, ano man ang pagtingin nila sayo, ang mahalaga ay handa kang gawin ang iyong tungkulin at alam mong gamitin sa tama ang iyong karapatan.

Kung dati, ang mga babae ay hindi napagtutuunan ng pansin, hindi nabibigyang halaga at laging mababa sa mga kalalakihan, ngayon ay iba na. Malayo na tayo sa panahong iyon, hindi na nila maaaring sabihing, babae ka lang at hindi mo kaya. Malaki na ang iyong magagawa, kung kikilos ka at patutunayan mong mali sila, na may kalakasan at kakayahan sa likod ng iyong kahinaan.

Hindi mahalaga ang pangalan. Ang mahalaga ay ipakita mo na ikaw ay isang tunay na babae. May dignidad, takot sa Diyos, pagmamahal sa iyong sarili, sa kapwa at sa bayan.

Thursday, December 29, 2011

SAYAng

Matapos ang isa't kalahating oras ng byahe, nakarating rin kami sa wakas sa aming destinasyon. Tanghaling tapat ngunit malamig ang simoy ng hangin sa Gumaoc East, San Jose Del Monte, Bulacan. Espesyal ang lugar na ito para sa akin dahil dito ko unang nasilayan ang mundo at madalas kami dito noong bata pa ako. Ngayon, nandito kaming muli para makiparty.

Christmas party at Reunion namin kasama ang mga kamag-anak sa side ng nanay ko.. at kahit hindi ko ganun kaclose ang mga tao dito dahil minsan na lang ako sumama tuwing pumupunta sila nanay dito, kailangan ko pa ring makijoin at makisaya para hindi naman masayang ang outft at ang ayos ko.

Masarap ang pagkain, maganda ang lugar at ang view pero wala ako sa mood at iritable ako, siguro dahil dinatnan ako ngayon ng aking buwanang dalaw. Pero ang mas nakakainis ay nang mabunot ang pangalan ko sa raffle, at makatanggap ng prize na hindi ko naman magagamit. Ano ba naman ang gagawin ko sa T-shirt na maliit, parang pambata at hindi kasya sa akin? Haay... kung minsan talaga hindi maintindihan ang buhay. May mga bagay na darating sa buhay mo, ngunit masasayang lang dahil hindi mo naman kailangan.

Saturday, December 24, 2011

Masayang Kahapon

Ang saya ko kahapon. Nakita ko na naman yung crush ko. Ang cute cute niya talaga.

Habang naglalakad ako, hindi ko inaasahang makakasalubong ko siya. Napatingin siya sakin.. at biglang tumibok ang puso ko ng walang kasing bilis.

Nung medyo malapit na kami sa isa't-isa, gusto ko na sanang batiin siya. Kaya lang..parang may naramdaman akong kakaiba.

Hindi ko maihakbang ang kanang paa ko.

Parang alam ko na!

May malagkit sa tsinelas ko.

Nakatapak ako ng ta...eewww!! kadiri!

Naku naman... Anu nang gagawin ko??

Tiningnan ko siya... at nakita ko siyang natawa. Nagmadali nalang tuloy akong umalis papunta sa malayo.

Haay... Nakakainis naman talaga. Bakit ngayon pa ko nakaapak ng bwisit na ebak na yun. Pagkakataon ko na sanang makapagpacute sa kanya, naging kahiya-hiya pa ko.

Di bale. Kahit ganun,natutuwa parin ako. Nakita ko na naman kasi yung mga mata niyang nagniningning, at yung mga ngiti niyang nakaka-inlove.

Nakakahiya man, pero okay lang...Ang mahalaga, napatawa ko siya. =)