Ang mga babae ay may iba’t-ibang kulay, paguugali at pagkatao. Mayroong mahinhin, tahimik, madaldal at maingay, mahina, maarte, kilos lalaki, matapang, palaban at marami pang iba.
Sa aking pagkakaintindi, ang mensahe sa kantang “Babae” ni Inang Laya ay ipakita mo kung sino at ano ka talaga bilang isang babae. Binanggit iyong mga halimbawa ng kilalang babae sa ating kasaysayan, kung ano ang tawag sa mga babae base sa kanilang pagkatao at maging si Cinderella para ihambing natin sa ating sarili.
Habang pinakikinggan ko ang kanta, naisip ko na kahit maging sino ka man sa mga babaeng binanggit sa kanta, babae ka pa rin. At bilang isang babae, ano man ang pagtingin nila sayo, ang mahalaga ay handa kang gawin ang iyong tungkulin at alam mong gamitin sa tama ang iyong karapatan.
Kung dati, ang mga babae ay hindi napagtutuunan ng pansin, hindi nabibigyang halaga at laging mababa sa mga kalalakihan, ngayon ay iba na. Malayo na tayo sa panahong iyon, hindi na nila maaaring sabihing, babae ka lang at hindi mo kaya. Malaki na ang iyong magagawa, kung kikilos ka at patutunayan mong mali sila, na may kalakasan at kakayahan sa likod ng iyong kahinaan.
Hindi mahalaga ang pangalan. Ang mahalaga ay ipakita mo na ikaw ay isang tunay na babae. May dignidad, takot sa Diyos, pagmamahal sa iyong sarili, sa kapwa at sa bayan.
Thanks for this...
ReplyDeleteThank for this it's really help me for my assignment
ReplyDelete